FFE Magazine

Ara Mina is happy with life following reconciliation with sister Christine Reyes

 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara Mina kahapon, April 4, sa Carron Dreampark sa Nueva Ecija sa taping ng youth-oriented show ng GMA-7 na Teen Gen.

At siyempre pa, ang tungkol sa pagbabati nila ng kapatid niyang si Cristine Reyes ang itinanong namin agad kay Ara.

Sa simula ay umiiwas pang magsalita si Ara. Hindi niya inakala na may mga miyembro ng press—kabilang na ang PEP—na dadalaw sa taping nila.

“Ano, ‘tsaka na yung detalye na ano… Nasa ano naman, e. Pero… pag ano na.

“Nasa PEP naman, e.”

Pero sinagot din naman niya ang tanong ng PEP.

“Basta, ano, nagkita kami last Friday iyon. Dun nag-start, nag- usap kami.”

Biyernes Santo, March 29, nagkabati ang magkapatid.

“Yes, oo.

“Pinuntahan niya ako sa bahay ‘tapos nag-usap kami.”

A TEXT MESSAGE FROM CRISTINE. Alam ni Ara na pupuntahan siya ni Cristine sa bahay niya.

“Nag-text siya Thursday ng tanghali.

“Ayun, kung puwede kaming mag-usap, ganun-ganun.

“‘Tapos sumagot ako the following day na.

“Sabi ko, ‘Okey, puwede naman.’

“Ganun. ‘Tapos, e, nasa Tarlac na siya, e, sabi niya, ‘Gusto mo ba akong bumalik?’

“Kasi papunta siya dun sa mga kapatid ko sa Baguio.

“Sabi ko, ‘Sige balik ka.’

“’Tapos after an hour from Tarlac, nasa bahay ko na siya.

Ano ang naramdaman ni Ara sa muli nilang pagkikita ng kapatid matapos ang mga kontrobersiya sa pagitan nila?

“Mahirap i-explain. Maganda sana isang…sabay na lang kami magpapa-interview para isang anuhan na lang, di ba?

“Basta naging maaayos yung pag-uusap naming,” dagdag ni Ara.

Gumaan ba ang kalooban niya sa pagbabati nila ni Cristine?

“Oo, oo. Gumaan yung loob ko. Kasi alam ko naman kung totoo o hindi yung ano, e.

“Kumbaga, kasi before naman, wala naman talagang effort, e.

“Hanggang parang text-text lang, ‘tapos parang…sinasabi ko nga sa kanya nung una, may sarcasm pa yung ano niya, yung text niya.

“Pero ito, parang parehas kaming nag-iisip nitong Holy Week, na one year na pala yung nangyari.”

Ang tinutukoy niya ay ang pagsampa niya ng demanda laban kay Cristine bunga ng mga text messages nito.

“Iniisip din pala niya ako. So, parang ganun.

“Kasi nasa bahay lang din ako, e.”

May iyakan bang naganap sa kanilang pagbabati?

“Oo naman,” sagot ni Ara.

Sino ang unang umiyak?

“Actually, ako. Ako ang unang umiiyak. Pero hindi ko pinapakita sa kanya. Pinupunasan ko. Parang strong-strong ako na parang ganun.

“Na, sabi ko, ‘Hindi ako iiyak, hindi ako iiyak…’ Pero tumutulo yung luha ko.”

Nag-sorry raw sa kanya si Cristine.

“Oo, nag-sorry siya. ‘Ayun, basta, nag-sorry siya.

“Tsaka na lang yung mga detalye,” sabay-tawa ni Ara.

Masasabi ba niyang maayos na maayos na ang situwasyon sa pagitan nila ng kapatid?

“I can say… sabihin na nating medyo parang may trauma ako. Siyempre, baka mamaya, mangyari ulit.

“Pero I hope naman na hindi. Kumbaga kasi, yung nangyari sa amin, parang may involved din na mga ibang tao na.

“No, not pera, e. Ibang tao na naninira.

“So, parang sa akin, dapat ako ang paniniwalaan hindi yung ibang tao.

“And kung kumpitensiya yung ano, walang kumpitensiya. Kasi iba na yung path na gusto kong puntahan sa buhay ko, sa career ko.

“I mean, I’m happy with my life now.”

DROPPING OF CHARGES. Paano ang demanda niya laban kay Cristine?

“Hindi, definitely ano, di ba…aanuhin ko naman yun. Mag-uusap pa kami ng lawyer ko. Hindi pa kami nag-uusap, e. Siguro pati lawyer ko, nagulat.”

So, wala na ang kaso?

“Siyempre once na pinatawad mo, alangan namang may kaso pa kayo, mukha ka namang tanga di ba?” at natawa si Ara.

Maayos na rin daw ang sitwasyon sa pagitan ni Cristine at ng buong pamilya nila.

“Siyempre iba yung kapatid, e.”

Masaya na ba si Ara ngayon?

“Oo! Kasi sabi nga nila parang ang aliwalas daw ng mukha ko after.

“Parang ano, parang ang gaan-gaan lang ng buhay,” at tumawa si Ara.

At parang tiyempo pa, na Holy Week at sa Good Friday pa sila nagkabati ni Cristine.

“Oo, Holy Week. Sobrang ano…

“Siyempre andun pa rin yung pagmamahal ko kay Cristine, e.

“Sabi ko naman sa kanya, napatawad ko na siya noon pa.

“Kumbaga I’m just waiting for her na lumapit sa akin, iyon, yun lang naman, e.

“Ako naman mababaw ako, e, di ba?

“Kung yung mga bashers ko nga or mga nang-iintriga sa akin, mga detractors ko, e, napapatawad ko, what more pa kaya yung sarili kong kapatid?”

“Yes, oo. Pinaano ko rin yung brother ko, pinakausap ko sa kanya yung nakaaway din niya.

“Sunday, sinurprise [surprise] naman namin yung mommy ko, iyon.

“Sa hotel kami nag-dinner ng family.”

Nagulat at umiyak din daw ang mommy niya.

Ano ba ang naging epekto kay Ara ng naging away nila ni Cristine?

“Siyempre hurt. Normal lang naman yun, e. Kahit naman sa mga kaibigan, e.

- Rommel Gonzales, PEP

SHARE YOUR IDEAS

COMMENTS

Leave a Reply

 

Important Advisory

Happy Regalo Information

Heavenly Matters1

Beauty and Fashion

21mar sidebar2

 

 materialism

 


100-yrs-beauty-4-12-14 - Copy

important advisory

 

 how they do it

BDO

bdo

 

Weather Forecast

Philippine Peso Converter
Philippine and European Times