FFE Magazine

Camera-shy Ilocos Sur Vice Governor DV Savellano recounts first meeting with wife Dina Bonnevie

\"DV

Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap sa grupo ng press si Ilocos Sur Vice Governor reelectionist Deogracias Victor o kilala rin bilang DV Savellano.
Naganap ito sa nakaraang soft-opening ng restaurant na Victorino’s— sa may Jamboree St. corner Sct. Rallos, Quezon City— kung saan co-owner niya ang asawang si Dina Bonnevie, ang kapatid na si Reina Virginia Savellano-Paras, at culinary expert na si Heny Sison.
Matapos ang ribbon-cutting ceremony, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang pulitiko.

Ang unang tanong ay tungkol sa partisipasyon ni Dina sa puspusang pangangampanya niya sa Ilocos Sur.

“Busy nga siya e, nagti-taping siya… Medyo ano kami ngayon dahil nagka-campaign ako, busy siya, pero every weekend, umuuwi ako dito.
“Pag may time siguro, tutulong siya sa campaign. Busy siya sa taping niya,” ang pahayag ni DV na ang tinutukoy niyang taping ng asawa ay ang bagong teleseryeng ginagawa nito sa ABS-CBN, ang Bukas Na Lang Kitang Mamahalin, kung saan tampok rin sina Dwan Zulueta, Gerald Anderson, Cristine Reyes, at iba pa.

May mga adjustment ba siya na kelangang gawin bilang mister ng isang artista?

“Every since, low profile lang naman ako kahit naging governor and vice governor ako for so many years.”
Pero, “pag ngayon, pag pumunta ako sa mga ano [kampanya], hinahanap siya.”




FIRST MEETING. Paano niya niligawan ang Kapamilya star?
Ang tugon agad ng politician habang nangingiti, “Mas maganda po na siya ang tanungin ninyo.”
Paano sila nag-meet?
“Ang unang meeting talaga namin, nung 1991. May shooting sila sa Ilocos, yung kina Cesar Montano, Alice Dixson… about yung tobacco. Nakalimutan ko na yung title ng movie. So, doon kami unang nag-meet. May asawa ako noon.”
Ang kanyang tinutukoy ay ang 1993 film na “Hanggang Saan Hanggang Kailan.”
Crush niyo na noon pa si Dina?
“E, sino ba naman ang hindi magkaka-crush kay Dina, di ba?” ang nakangiti niyang sagot saka nagpatuloy sa kanyang pagkukuwento.
“So nung talagang nag-meet kami, ‘eto nang may project siya sa Ilocos, si Gov. Chavit ang pina-handle niya. So, dun kami nag-meet hanggang sa nagkakilalan na.”
Hiwalay na po kayo noon sa asawa ninyo?
“Oo.”
Hindi ba kayo na-intimidate kay Dina?
Ang mabilis niyang sabi, “Hindi naman.”
Kasi ang image ni Dina, strong personality, e, hindi ba kayo nahirapang pasagutin siya?
“Nagkataon lang na yung mga gusto namin, magkapareho, yung ganon. ‘Tapos, kuwentuhan…”
Naalala ba ni Dina ang first meeting nila?
“Hindi… Ang nangyari nga nito, one day sa bahay nila, yung katulong niya, naglilinis ng album.
“Pero yung katulong, dun lang ako nakilala ‘tapos, sinabi niya, ‘Ma’am nandiyan si Sir DV.’
“Akala ni Dina, nasa bahay niya ako. Yun pala, nandun pala ako sa album.
“Sa lahat ng page, ako na lang ang natitira dahil kinukuha raw ng kung sinu-sino sa mga katulong. Pero merong isang picture na merong natira. Ako lang, stolen shot na nakalagay dun.
“So, tumatawa siya nong makita niya. Sabi niya, ‘Ikaw ba to?’
“‘Sino pa?’ sabi ko.”



FIRST ANNIVERSARY. March 28, 2012, noong ikinasal ang dalawa. Bagay na ikinagulat ng publiko, maging ang mga anak ng aktres na sina Oyo Sotto at Danica Pingris.
Ang tanging nasabi niya tungkol dito ay “okey na rin yun.”

First year nila as husband and wife noong Huwebes Santo. And at the time of this ingterview, dalawa raw ang options ng mag-asawa para i-celebrate ito.

“Pag hindi siguro kami makakaalis, baka uwi kami ng Ilocos. Kasi yun lang yung time na magkasama kami, e.
“After that, campaign period, umpisa na naman ng shooting niya.”
Kung mas may oras, gusto niyang lumipad sila patungong Cambodia dahil “mahilig kasi ako sa antiques, sa culture.”
Magaling na bang mag-Ilocano si Dina?
“Oo” ang sagot niya.
Magaling bang magluto ang asawa?
“Oo.” rin ang sagot ni vice governor. “Lahat” daw ay halos alam lutuin ng aktres pero ang kanyang expertise ay “bangus sardines.”

Dugtong ni DV, “Kasi pag sa Ilocos kasi, yung time na sama-sama kaming nagluluto, even yung mother ko, yung kapatid ko, yun ang ginagawa nila.

“Kasi yung bahay namin, magkatabi, compound, nagsi-share kami ng niluluto nila at niluluto namin.”

At bagamat busy sila pareho, hindi naman daw problema ang oras.
“Kasi like ngayong mangangampanya ako, may project siya. E, di mag-project siya.
“Pag weekends, umuuwi ako dito. Pag mahaba naman yung kanya [bakasyon], siya naman ang umuuwi doon [Ilocos Sur].”
Natawa si Vice Gov sa nalaman niyang siya ang lumalabas na sagot sa matagal nang dalangin ni Dina na magkaroon ng partner in life.
Comment niya agad habang nakangiti, “E, ganundin din naman ako, e. Sabi nga sa niya nong nag-propose ako, ‘Bakit ang bilis?’
“‘E, tumatanda na ako, e!’ sabi ko. Di ba?”
Nasa 53 na ang edad ngayon ni DV samantalang 51 naman si Dina.
“Kasi puti ang buhok ko, hindi kasi ako nagtitina, e,” ang bulalas ng masayahing public servant.
- Rey Pumaloy

SHARE YOUR IDEAS

COMMENTS

Leave a Reply

 

Important Advisory

Happy Regalo Information

Heavenly Matters1

Beauty and Fashion

21mar sidebar2

HR agent Paris copy2

 materialism

 


100-yrs-beauty-4-12-14 - Copy

important advisory

 

 how they do it

BDO

bdo

 

PAL

pal

Weather Forecast

Philippine Peso Converter
Philippine and European Times