FFE Magazine

Eat Bulaga! show sa London sa Nov 17; Judy Ann Santos, kasama rin!

All set na ang mga Dabarkads ng number one noontime show na Eat Bulaga! para lumipad patungong Europe upang maghatid ng isang libo’t isang tuwa sa ating mga kababayan doon. Hindi na nga makapaghintay ang mga EB host na sina Keempee de Leon at Ryan Agoncillo para sa kanilang show na gagawin sa Exhibition and Conference Centre (ExCel) sa London Docklands sa darating na Nobyembre 17. “Nakakatuwa after Asia, after Canada, US, Japan, Europe naman ngayon ang Bulaga,” ayon kay Keempee. Maging ang mga Dabarkads na sina Pauleen Luna, Julia Clarete, at Ruby Rodriguez, hindi na maitago ang kasiyahan at excitement ngayong kumpirmado na ang kanilang show sa London.

“Early as July na nagtu-tweet na we hope you can tell us where you’re staying ganon. We have gift for you, ganyan if we’re really going,” sabi ni Ruby. Wika naman ni Julie: “At saka kasi naging issue ‘yan before na maramnig nagpu-publicize na dadalhin ang Eat Bulaga doon [Europe], tapos biglang hindi matutuloy. So ‘yong ibang mga Dabarkads namin doon, nag-aalangan ngayong bumili. Naku, wag po kayong mag-alangan dahil na tuloy na tuloy po.” Makakasama ng mga Dabarkads sa London show ang misis ni Ryan na walang iba kundi si Judy Ann Santos bilang special guest.

Maliban sa kanyang special guesting, tutungong London si Juday para magbakasyon na rin kasama ang kanyang pamilya.

GMA News Online || Oct. 31, 2012 9:19 PM

SHARE YOUR IDEAS

COMMENTS

Leave a Reply

 

Important Advisory

Happy Regalo Information

Heavenly Matters1

Beauty and Fashion

21mar sidebar2

 

 materialism

 


100-yrs-beauty-4-12-14 - Copy

important advisory

 

 how they do it

BDO

bdo

 

Weather Forecast

Philippine Peso Converter
Philippine and European Times