FFE Magazine

G Toengi reveals her number one fan is her American husband

\"\"

Ash blonde ang buhok niya ngayon kaya hindi kaagad nakilala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si G Toengi.

Nakakuwentuhan namin siya sa presscon at preview ng indie film na Bayang Magiliw, na dinirek ni Gil Portes, kahapon, April 4, sa Mowelfund Compound.

Isang batang abugado si G sa Bayang Magiliw at lumalabas na kalaban ni Wendell Ramos, na mayor naman ng isang bayan sa Quezon.

Saad niya, “I play the young lawyer who questioned the mayor and his government policy.

“The reason why I wanted to do an indie film was because it was an advocacy that I really believed in.”

 

RH THEME. Tinalakay ng pelikula, na kauna-unahang independent film na ginawa ni G, ang temang Reproductive Health o RH Law.

“Before nauso itong reproductive health here in the Philippines, may nabasa akong article sa New York Times when I was living in the States.

“May isang babae who has seven children. She was throwing herself down the stairs para ma-abort yung anak niya.

New York Times ito, ha? Filipina yung girl, in the Philippines…

“So, noong nabasa ko yun, sabi ko, ‘Paano ba ako makakatulong dito?’

“I researched online, and I found Likhaan organization here in the Philippines that helps women with the reproductive health.

“So, ilang stages ang ginawa ko sa Amerika. Lahat ng proceeds noon, pinadala namin sa Likhaan.

“So, bago pa sumabog ang reproductive health issue, matagal na akong involved.”

Ang kanyang advocacy ang major consideration niya sa pagtanggap ng proyektong ito.

“So, noong nakuha ko ang script, kasi, marami naman akong nakukuhang script… kasi, simula nang dumating ako, nagpapasalamat ako.

“Palagi pa rin akong pinapadalhan ng script, lalo na yung mga indie.

“Ito lang talaga ang indie na sinabi ko, ‘I have to do this. I have to be part of it.’”

COMEBACK MOVIE. Ang unang pelikula na nagawa ni G simula nang bumalik siya ay ang Must Be Love na pinangunahan ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernanrdo.

Nakaka-isang taon na siya sa Pilipinas noong Marso lang, at “for good” na raw ang pamamalagi niya rito.

Sabi niya, “My family is here. I live with my husband. We’re very happy. We still wake up together every morning.”

Isang bar consultant ang American husband ni G na si Tim Walters at ang dalawang anak nila ay nag-aaral na rin dito.

“Isang taon na rin silang nag-aaral, so, marunong na rin silang mag-Tagalog.

“Based na talaga ‘ko rito at hindi mawawala ang fact na noong nasa Amerika ako ng 12 years, out of that, I never forgot that the Philippines is my home.

“At saka, palagi naman akong umuuwi. This has always been home.

“And I’m always thankful that every time I come home, I’m still able to act, to perform.”

PERMANENT RESIDENCY. Hindi ba naging mahirap sa pamilya niya ang mag-desisyon na dito na lang sila sa Pilipinas manirahan?

“Hindi, kasi, number one fan ko sila,” at saka ito tumawa.

Dugtong pa niya, “Alam ninyo, ang asawa ko kasi ang kauna-unahang lalaki na dineyt ko na puti.

“Pero sa kanilang lahat, siya ang pinaka-Pinoy at heart.

“Walang-wala sa kanya yung ipagmamaneho ako, bubuksan ang pintuan ko considering he’s American. He has lots of Filipino qualities.”

Yung realization sa kanya na sa Pilipinas pala niya gusto, kailan dumating yun?

“When I graduated in college, December of 2011, sabi ko, ‘You know what? I wanna go back to Manila.

“’Kasi, name-miss ko na yung mommy ko, name-miss ko na ang friends ko.

“So, noong bumalik ako, nalaman ng mga tao na bumalik ako, nag-Facebook post lang ako, ‘Can’t wait to go back. I just graduated, I got an offer to do Nandito Ako.’

“So, I did Nandito Ako where again, I played as a mother. But you know what? It’s okay.

“I’m really a mother… I’ve no problem. Nag-evolve na rin ako, di ba?

“I’ve no problem playing the role. As you see, binago ko rin ang buhok ko.”

“HOT MOMMA”. Nagpa-blonde ng buhok si G dahil sa kanyang stage play sa Atlantis na Piaf, kung saan siya ang gumanap sa papel ng Hollywood actress na si Marlene Dietrich.

“I’m just very thankful na sa Pilipinas, nagagawa ko ang mga gusto kong gawin.”

Sa pagganap niya ng mga mother roles, wala bang problema sa kanya kung mahahanay siya sa mga tinatawag na “hot mommas” ng showbiz?

Una naming binaggit si Sunshine Cruz na kailan lang ay ang-pose sa FHM Magazine.

“Yes, she looks great in FHM!” deklara G, na nag-pose na rin sa FHM noong dumating siya.

Ngayong April, cover girl uli siya ng isa pang men’s magazine, pero may pinapabura siya sa editor.

Ang sabad niya, “Na-areola? Oo… Alam ninyo, it’s the first time I’m working with Mark Nicdao. I’ve been away for a long time.

“To be given an opportunity to shoot with him, hindi ko naman nakakalimutan, hindi lang ako artista, I’m an artist.

“And to be able to collaborate with another artist is an amazing opportunity.

“Wala na sa consciousness ko yung, ‘Ay! Ano kaya ang sasabihin ng mga tao kung ganyan ang itsura ko, di ba?

“Basta ang standard ko sa sarili ko is, maipapakita ko ba ito sa mga anak ko?

“Okay naman— maipapakita ko naman sa mga anak ko, so go!”

EXPOSED! Kaso, may hindi nga sinasadyang lumabas.

Natawa ito at saka sinabing, “Which is why, I’m asking them to take it off!”

Si G, bilang isang aktres, wala raw siyang maraming pretensiyon o limitasyon pagdating sa katawan niya.

Sabi nga niya, “I’m very confident about my body. I’m not thin— hindi ako payat— I work out.

“I’m not, you know… hindi ako payat, pero, sa standards kasi noong una akong nag-artista, iba ang hitsura ng mga artista, let’s face it.

“Now, the trend has become smaller, thinner, and skinnier.

“You know, iba… iba-iba ang panahon. I just wanted to keep it who I am.

“Wala naman akong kiyeme kung naniniwala ako sa mga kasama ko, hubad, okay.

“Suspender na lang, puwede? Opo. Nakatakip ba? Sandali…”

Nagkataon lang daw kasi na sheer na damit ang suot niya noong pictorial at sumayaw-sayaw siya.

Hindi na raw siya aware na may “nag-hello” pala.

“Emote na lang,” sabi niya.

HUSBAND IS NO. 1 FAN. Ano naman ang nagiging reaksiyon ng mister niya sa mga covers ni G sa men’s magazines?

“He thinks I’m hot, so, lagot ako pagdating ko,” natatawa pang sabi niya.

“My husband is my number one fan— he’s not overprotective—he believes in my abilities.

“I’m just thankful na yun na nga, ang asawa ko talaga ang dahilan kung bakit ako bumalik sa Pillipinas.

“Siya ang may sabi sa akin na, ‘You know what? You have to go home.’

“’There’s so many people that look forward to seeing you.’

“Siya pa! Ako talaga yung ang init!”

Ano naman ang reaksiyon ng mister niya sa kanyang blonde na buhok?

“My husband said, ‘I’ve never been with a blonde hair!’

“Totoo nga, nagigising ako na yung tingin niya talaga sa akin, ‘Sino ito?’

“You know, the hair is just… magbabago rin ‘yan.

“Nasa role talaga, at, di ba, yung mga artist, ganoon talaga?”

 

- Rose Garcia, PEP

SHARE YOUR IDEAS

COMMENTS

Leave a Reply

 

Important Advisory

Happy Regalo Information

Heavenly Matters1

Beauty and Fashion

21mar sidebar2

 

 materialism

 


100-yrs-beauty-4-12-14 - Copy

important advisory

 

 how they do it

BDO

bdo

 

Weather Forecast

Philippine Peso Converter
Philippine and European Times