FFE Magazine

Julia cool about mom’s nude pics

Positibo si Julia Barretto na malalagpasan ng kanyang ina na si Marjorie Barretto ang kontrobersiyang kinahaharap nito ngayon.

Kumalat kasi sa Internet ang nude photos ni Marjorie noong nakaraang linggo, at ngayon ay pinaiimbestigahan na ng mga abugado ng dating aktres kung sino ang may pakana nito.

Sabi ni Julia tungkol sa isyung kinahaharap ng ina, “Everything will be okay again, that’s all I can say—everything’s gonna be okay.

“Siyempre, I don’t like it that my mom was the one being talked about.

“My mom is strong, my family… we’re also strong.

“Everything happens for a reason. Hindi naman ito mangyayari kung walang reason.

“After this, something good will come out on this situation, we’re gonna be okay.”

Dagdag ng Star Magic talent, “Life goes on.

“Just what I’ve said, don’t worry too much ‘coz everything will be okay.

“Pag-pray mo lang, matatapos din ang lahat.”

AMAZING WOMAN. Ipinaliwanag ba sa kanila ng ina ang nangyari?

Sagot ni Julia, “No, she didn’t have to explain, I think we’re all old enough to understand things.

“We all know our mom, grabe, she’s so amazing!

“I’m not saying this because I’m her daughter, but it’s true.

“As a person… as a person, my mom is really amazing. The people who know her know that.

“No, we didn’t talk about it because let’s be positive, di ba?

“Naku, talaga, watch, in the end, everything will be okay, everything will be quiet uli.”

Hinahangaan din ni Julia ang tatag na nakikita niya sa ina sa pagharap nito sa isyu.

“My mom is a strong woman, there’s nothing to worry about. She’s a strong woman… grabe her strength.

“I pray for her, I’m always there for her, I’m there to listen when she needs someone to  talk to.

“Just be a daughter, you know, just what every mother needs.”

MOTHER’S DAY. Sa Mother’s Day sa darating na Linggo, May 12, kasama ang mga kapatid ay may soprsesa raw silang hinahanda para sa ina.

Ayon kay Julia, “I’m gonna surprise her with a bouquet of flowers and my siblings and I will gonna buy her this thing na matagal na matagal na niyang gusto. Surprise yun.”

Tinanong din si Julia kung may komunikasyon pa sila ng kanyang tita na si Claudine Barretto.

Sabi niya, “Right now, wala naman.

“Family is family. Lahat naman kami baby nila, so lahat kami alagang-alaga.

“We’re all close, just a typical bonding… tita-pamangkin bonding, mother-daughter bonding.”

PRESSURED. Samantala, isa si Julia sa pinu-push ngayon na mga bagong artista ng ABS-CBN. Bagay na labis na ipinagpapasalamat ng batang aktres.

Aniya, “I’m so blessed and I’m so happy to have been given this opportunity.

“Matagal ko nang gusto itong gawin, matagal ko nang gustong umarte, matagal ko nang gustong mag-endorse.

“Now na everything is happening na, I’m so thankful.”

Sa palagay ba ni Julia ay nakatulong ang pagiging Barretto niya sa kanyang pagpasok sa showbiz?

Tugon niya, “Siyempre it helps, but I don’t think it will make you stay in the industry.

“Kailangang you show them na marunong kang umarte, may talent ka, may maio-offer ka. Kasi di naman ang pangalan mo ang magpapatagal sa iyo.

“Yes, siyempre may pressure, kasi they expect too much from you. Mataas ang expectation.

“But actually, that will help nga kasi mas nade-determine na mas galingan mo pa pag-arte, inspiration na yun.”

SHARE YOUR IDEAS

COMMENTS

Leave a Reply

 

Important Advisory

Happy Regalo Information

Heavenly Matters1

Beauty and Fashion

21mar sidebar2

 

 materialism

 


100-yrs-beauty-4-12-14 - Copy

important advisory

 

 how they do it

BDO

bdo

 

Weather Forecast

Philippine Peso Converter
Philippine and European Times